sí•ning 1: kalidad, produksiyon, o ekspresyon ng anumang maganda, kaakit-akit, at may kahalagahang higit sa karaniwan alinsunod sa mga prinsipyong estetiko 2: mga bagay na nilikha ayon sa pamantayang estetiko, gaya ng pintura, at eskultura 3: uri o kategorya ng sining hal, sayaw at eskultura 4: anumang larangan na gumagamit ng kasanayán o malikhaing pamamaraan 5: prinsipyo o metodo na gumagabay sa anumang uri ng kasanayán o pag-aaral 6: kasanayán o kahusayan sa pagsasagawa ng anumang aktibidad
bis•wál 1: hinggil sa paningin 2: ginagamit sa pagtingin o pagtanaw 3: pangmatá 4: nakikíta; madalîng mákíta 5: maaaring isipin o maisip